Saturday, March 11, 2017

Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

Konsepto ng Kontemporaryong Isyu
Ang salitang ‘’kontemporaryo’’ ay ginagamit sa iba’tibang konteksto. Ito ay naglalarawan sa panahon mula sa pagitan ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid ang mga pangyayari nanangyari sa nakalipas na mga dekada at mga patuloy na nangyayari sa kasalukuyan ay maituturing na kontemporaryo.
Angsalitang ‘’isyu’’ ay nangangahuluganngmgapaksa, tema o suliraning nakaaapekto sa lipunan dahil ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate salipunan , at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Hindi lahat ng isyu ay negatibo dahil may mga isyu na may positibong epekto sa mga tao sa lipunan.
     Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu, ito ay:
• mahalaga at makabuluhan sa lipuan ang ginagalawan
• may malinaw na epekto sa lipunan o sa mga mamamayan
• may matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon
• mga temang napag-uusapan at may positibong impluwensya sa lipunan

PagsusurisaKontemporaryongIsyu
Maaaring pag-aralan ang isang isyu sa pamamagitan ng pagsusuri at ilang aspekto nito
• pinagmula
• iba’tibang pananaw
• mga pagkakaugnay
• kahalagahan
• epekto
• personal na damdamin
• maaaring gawin

Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
1)    Pagkilala sa Primarya at Sekondaryang Sanggunian- ang Primaryang sanggunian o pinagkunan ng impormasyon ay mga orihinal na talang mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito. Halimbawa ay mgasulat, journal, legal nadokumento, guhit, at larawan. Ang mga Sekondaryang Sanggunian ay mga impormasyon o interpretasyon batay sa mga primaryang pinagkunan o ibang sekondaryang sanggunian at inilahad o isinulat ng mga taong walang kinalaman sa mga pangyayaring itinala
2)    Pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon- ang Katotohanan ay mga totoong pahayag o kaganapan na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos. Ang Opinyon ay mga kuro-kuro, pala-palagay, sabi-sabi o haka-haka na nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan
3)    Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)- sa pagsusuri ng mga impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan, kailangang malaman kung ito ay walang kinikilingan. Ang paglalahad ay dapat balance
4)    PagbuongPaghihinuha (Interferences), Paglalahat (Generalization), at Kongklusyon- ang Hinuha ay isangpinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay. Ang pagbuo sa hinuha ay tulad ng pagbuong hypothesis. Ang Paglalahat ay ang hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng kongklusyon. Ang Kongklusyon ay angdesisyon o opinyong nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng mga mahahalagang ebidensya o kaalaman
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mgaKontemporaryong Isyu
Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nalilinang nito ang ating mga pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip. Narito ang ilan:
1)    Paggamit ng mga malinaw at makabuluhang kaalaman tungkol sa mga mahahalagang kaganapan na nakaiimpluwensya sa tao, bansa, o mundo
2)    Pagsusuri o pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari
3)    Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba’tibang sanggunian para makakalap ng mga impormasyon
4)    Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuring kwantitatibong datos tungkol sa mga pangyayari sa lipunan
5)    Pagsisiyasat, pagsusuri, ngdatos at iba’tibang sanggunian, at pagsasaliksik
6)    Mapanuring pag-iisip, Matalinong pag-papasiya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain, at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw
7)    Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdig ang suliranin
8)    Paggalang sa iba't ibang paniniwala,pananaw, o punto de bistakahitito ay naiiba o salungatsasarilingpaniniwala o pananaw.
9)    Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura, paniniwala, at paggalang sa kanilang dignidad at karapatang pantao.
10)Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa kagustuhan ng

iba.